π΅ TITLE: Makapiling by YS
[Verse 1] Sana ay mapansin, ang aking pagtingin Upang ako'y iyong mahalin, damdamin mo aking pinili Upang ika'y maging akin, puso ko'y mananatili Sana ay ikaw pa rin dito sa aking piling... [Pre-Chorus] Kung sakaling dumilim ang landas na tatahakin Habang buhay kang aangkinin sa bawat oras na sandali Sa bawat tibok ng puso ko'y ikaw lagi ang pintig nito Pag-ibig ko'y sa'yo pa rin na aking minimithi [Chorus] Sana ay mapakinggan ang bulong ng damdamin Na ikaw lang ang nais kong makapiling Sa bawat araw at bawat gabi Ikaw pa rin ang pangarap na nais kong makatabi [Verse 2] Kung sakali mang ako'y iyong mapansin Sana'y yakapin mo ang aking damdamin Sa bawat sandali na ikaw ay kapiling Langit sa pakiramdam ang iyong pagdating Kung sakaling ako'y iyong mahalin Hindi ko hihilingin ang sobra sa akin Sa bawat pangarap na nais nating marating Ikaw at ako'y sabay na tatahakin [Chorus] Sana ay mapakinggan ang bulong ng damdamin Na ikaw lang ang nais kong makapiling Sa bawat araw at bawat gabi Ikaw pa rin ang pangarap na nais kong makatabi
π¦ππ½π½πΌπΏπ π¨π ππ²πΏπ²: πππ
Comments
Post a Comment